Para sayo anak

Madalas na hindi tayo nag kakaintindihan dahil na din sa hindi ka lumaki sa akin, pero kahit ano pa man ako pa din ang nanay mo. Gusto mo man o hindi na maging nanay ako wala na tayo magagawa. Sabi nga ng mag matatanda

Hindi ka makakapili ng Nanay mo, dahil Diyos ang nagbibigay nito sayo.

Alam ko marami akong pagkukulang. Naging anak kita sa maagang edad ko at kailangan kong tapusin ang aking pag – aaral para sa kinabukasan mo. Habang lumalaki ka alam kong nagiging malayo ang loob mo sa akin. Hindi kita masisisi dahil alam kong hindi din ako naging mabuting ina sayo. Pero ang tanging hiling ko lang ay maging maayos ka, maayos ang buhay mo. Walang magulang na gustong mapariwara ang buhay ng anak. Kahit sa maliit na paraan pilit kong ginagawa na mataguyod ka at mapasa ayos ang buhay mo. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit pilit mong binababa ang sarili mo. Sana anak matuto kang respetuhin ang lolo at lola mo dahil sila na halos ang nag palaki sayo. Lagi kong sinasabi sayo kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang nanay mo sana man lang ibigay mo ang respeto para sa mga magulang ko, dahil sila ang isa sa mga dahilan bakit mas maayos at matiwasay ang buhay mo. Wala akong hinangad na masama para sayo. Napapagalitan ka man madalas yun ay dahil mahal ka naming lahat. Ayoko na pagdating sa dulo magsisisi ka dahil lahat kami hindi kana pinakeke-alaman. Sana mag bago ka habang maaga pa. Habang buhay pa kami. Laging pinapangaral sa akin ng Mama ko dati na nasa huli ang pagsisisi at napatunayan ko yun. Sana lang anak hindi ka umabot doon na magsisi ka sa mga ginawa mo. Sana ayusin mo ang pakikitungo mo sa mga tao. Hindi kami humadlang sa pagpili mo sa sexualidad mo bilang gay. Sana lang maging maayos ka sa mga bagay-bagay sa paligid mo. Wag mong hayaang kainisan ka ng mga taong nakapaligid sayo dahil sa hindi magandang ugali. Sana mabasa mo ito at maging mas maliwanag na sayo ang lahat, wala akong hinihingi sayo na kahit ano, gusto ko lang matuto kang respetuhin ang mga taong nakapaligid sayo, lalo na yung mama at papa ko. Mahal kita sana alam mo yun.

Wag ka din sana papadala sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin o sa pamilya natin. Masaya ako na madalas mo akong pinag tatangol sa mga taong kumukutya at ng mamata sa akin. Kaya alam ko na mahal mo din ako. Mahal kita anak sana ay lumaki kang may takot sa Diyos at maging maayos sa lahat ng bagay. Nandito lang kami para supportahan ka sa lahat ng gusto mong tahakin.

 

*featured photo not mine

898 total views, 1 views today

This site is using SEO Baclinks plugin created by Locco.Ro

Leave a Reply