Random Thoughts

It’s been 2 years, but how are you heart. Really?

It’s been two years since and I never really asked my heart kung kamusta na ba siya? I mean she want through hell pero I never asked if okay na ba siya talaga? I have this attitude na if hindi naman makakabuti sa mga anak ko at pamilya ko I’d rather not deal or face it. Parang yung puso ko, hindi ko alam if okay na ba siya talaga and a lot are asking me why I stayed, actually tanong ko din yan sa sarili ko eh, I’ve been in a relationship na hindi ko alam if ano ba dapat kong maramdaman. Siguro nag stay ako kasi ito yung tama? Tama sa mata ng tao pero hindi tama para sa puso? Eh bakit ba need ko pa tanungin yung puso ko eh most of the time naman no one ever asked me if okay ako, lalo na sa pamilya ko. Akala kasi nila lagi akong malakas pero minsan gusto ko na lang maglaho na parang bula, para once in my life naman makaranas ako ng saya, yung saya na hindi mo maexplain.

Nag arrive tong article na kasi napanood ko yung episode ng MMK about sa Kabit, na hindi lahat ng kabit masama, well I agree if yung kabit is hindi papayag na maging kabit siguro at iisipin na hindi naman siya makakasira ng pamilya eh, paano kung yung kabit eh alam naman na may pamilya yung tao pero kahit minsan ata eh hindi naisip na layuan yung lalaking mahal niya? O baka naman mapilit yung lalaki na nagawa na niyang magsinungaling para lang maging sila para makaalis na siya sa buhay na meron siya bilang ama ng tahanan? Hindi ko din alam eh, basta alam ko lang sa pagiging magulang ko at feeling ng iba na wala akong silbi dahil nasa bahay lang ako pero halos 3 taon na, na mas malaki yung naiiambag ko sa pagaaral ng mga anak ko pero wala naman nakakakita nun eh kasi si lalaki lang naman ang nakikitang nag tatatrabaho pero ako wala kasi nga nasa bahay lang ako.

Dami kong hugot no? minsan kasi napapaisip ako kung ganito na lang ba yung magiging buhay ko? Madalas din na tanungin ko yung sarili ko if masaya o okay pa ba ako, pero madalas yung sarili ko ayaw na din sumagot eh. Kaya nga madalas ayaw ko na lang kausapin yung sarili ko at yung puso ko kasi baka sawa na din siya sa mga ginagawa kong ka-tangahan at kagagahan. Pero sana puso stay ka lang ha? baka naman kasi may ibang balak si God para sa atin, antay lang tayo ha?

 

* * Featured photo is from http://www.milliyet.com.tr/kirilan-kalp-hic-iyilesemeyebilir-dunya-2471318/

182 total views, 1 views today

This site is using SEO Baclinks plugin created by Locco.Ro

Leave a Reply